9 arestado sa buy-bust

BULACAN, Philippines – Sa kulungan magdaraos ng Undas ang siyam-katao na sinasabing mga drug suspek matapos ilatag ang serye ng buy-bust operation sa Barangay Caingin, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng kahapon. Nakatakdang kasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Florante “Tangkad” Gulapa, 33; Alex Bernardo, 42; live-in nitong si Jonann Davila, 42; Rodel Sunio, 42; Cecilia Andres, 39; Elizabeth Teodoro, 46; Jayvee Javier, 18; Connie Venturina, 49, ng Brgy.Tabang, Plaridel; at si Christopher Francisco, 37, ng Brgy. Guyong sa bayan ng Santa Maria. Ayon kay P/Insp. Jay Quijana, nasamsam sa mga suspek ang 24 plastic sachets ng shabu, mga drug paraphernalia, digital weighing scale, at P1,800 marked money na ginamit sa operasyon ng pulisya.

Show comments