Trader niratrat ng tandem

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Bumulagta ang isang negosyante sa loob ng kanyang minamanehong sasakyan nang ratratin ng riding in tandem sa Sitio Morning, Brgy. Curvada sa bayan ng Catai­ngan, Masbate kamakalawa ng umaga. Agad namatay dahil sa dalawang tama ng bala sa kanyang ulo ang biktimang kinilalang si Lemuel L. Ternal, 42 anyos, residente ng Brgy Matagantang, Placer, Masbate. Sa ulat ng Camp Gen.Simeon Ola, patungo ang biktima sa sentro ng Brgy. Curvada nang harangan ng motorsiklo ng mga suspek ang sasakyan nitong Multicab (GSU-944) saka dalawang beses binaril sa ulo. Sinubukan pa sanang isugod ang biktima sa Cataingan District Hospital pero binawian din nang buhay.

Show comments