Anti-drug barangay chairman, nilikida

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 46-anyos na barangay chairman na sinasabing kontra sa droga matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay 3, Vigan City sa Ilocos Sur kamakalawa. ?

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Chairman Purisimo Dante Francisco Jr. ng nasabing barangay.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Jugith del Prado, hepe ng Vigan City PNP, patungo sana sa kanyang pamilya sa Barangay Cabalangigan ang biktimang nagmamaneho ng traysikel nang pagbabarilin ng tandem pagsapit sa nasa­bing barangay.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 38 revolver kung saan sinisilip ng pulisya ang anggulong tumayong testigo ang biktima sa kaso ng serye ng patayan na kinasasangkutan ng mga umano’y durugista.

Show comments