4 police officers sa Iloilo, sinibak
MANILA, Philippines - Apat na opisyal ng pulisya ang sinibak sa puwesto sa Western Visayas Police kaugnay ng patuloy na paglilinis ng PNP sa hanay ng mga sangkot sa katiwalian.
Kinilala ang mga sinibak na sina P/Senior Inspector Ray Doceo, Sr., P/Inspector Ariel Corcino, P/Supt. Richard Adonis Habawel at si P/Chief Inspector Lorenz Losaria na pawang nakatalaga sa Iloilo.
Kinumpirma naman ni P/Chief Supt. Jose Gentiles, director ng Police Regional Office (PRO) 6 ang pagsibak sa nasabing mga opisyal base sa inisyung order mula sa National Headquarters ng PNP sa Camp Crame.
“I did not cause for their. The four officers were issued orders from National Headquarters (Camp Crame),” pahayag ni Gentiles.
Ang mga ito ay itinalaga sa Police Holding Area Unit sa Headquarters Support Service sa Camp Crame habang isinasailalim sa imbestigasyon.
“Reasons for their relief is unknown to us,” pahayag ng nasabing opisyal.
Magugunita na una nang sinibak sa puwesto ang 49 opisyal sa Western Visayas kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon na sangkot ang mga ito sa drug trade.
- Latest