Batay sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction Ma­nagement Office (MDRRMO), kinilala ang nasawing biktima na si Cedric Ortega, 7, ng Brgy. Gulod, San Mateo, Rizal habang nilalapatan pa ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center ang nakababata nitong kapatid na si Nicolo Ortega, 2.
File photo
Mag-utol inanod ng baha: 1 dedo
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang paslit habang nasa malubhang kalagayan ang kanyang nakababatang kapatid matapos na anurin ng tubig-baha sa kasagsagan ng malakas na pag-uulan  sa San Mateo, Rizal kamakalawa.

Batay sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction Ma­nagement Office (MDRRMO), kinilala ang nasawing biktima na si Cedric Ortega, 7, ng Brgy. Gulod, San Mateo, Rizal habang nilalapatan pa ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center ang nakababata nitong kapatid na si Nicolo Ortega, 2.

 Ang bangkay ni Cedric ay natagpuan sa isang drainage dakong alas-10:00 ng gabi habang si Nicolo ay nakita sa tabi ng isang punong malapit sa kanilang tahanan.

 Sinabi ni Stephen Flores ng MDRRMO,  iniwan umano ng kanilang ina ang dalawang bata sa loob ng kanilang tahanan dakong alas-3:20 ng hapon habang bumubuhos ang napaka­lakas na ulan. Gayunman, lumabas umano ang mga bata upang maglaro hanggang sa abutan sila ng mataas na baha sa kalsada dahil sa walang tigil na pag-ulan ay minalas na tangayin ng malakas na agos.

SAN MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with