29 police chief sa Bicol sinibak

CAMARINES NORTE, Philippines – Umabot sa 29 na hepe ng pulisya mula sa iba’t-ibang lalawigan sa rehiyong Bikol ang tinanggal sa puwesto makaraang hindi maabot ang performance target sa pagsugpo sa iligal na droga simula noong Hulyo 1 hanggang Agosto 11 ng taong kasalukuyan batay sa nakarating sa tanggapan ng Regional Police Office sa Camp Generel Simeon Ola.

Batay sa ulat na ipinalabas kamakalawa ni P/Sr. Insp Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Camp Ola sa Legaspi City, kabilang sa mga nasibak sa puwesto o mga bayan na sinibak ang kanilang chief of police ay ang apat na bayan sa Albay (Jovellar, Rapu-Rapu, Manito at Sto. Domingo), dalawang siyudad (Legazpi at Tabaco City); limang ba­yan sa Camarines Norte (Capalonga, Paracale, Jose Panganiban, Vinzons at San Vicente), apat sa Camarines Sur (Precentacion, Bombon, Ocampo at San Jose), tatlong bayan sa Catanduanes (Baras, Bato at Panganiban), limang bayan sa Masbate (Monreal, Palanas, Placer, San Fernando at San Jacinto), apat na bayan sa Sorsogon (Bulusan, Matnog, Prieto Diaz at Sta. Magdalena) at dalawang Station Commanders ng Station 1 at 3 sa Naga City Police Office sa Camarines Sur.

Ang nasabing 27 chiefs  of police ay isasailalim sa 45 days na Managing Police Ope­rations Training at Refresher Course.

Show comments