Obrero pinatay dahil sa tsismis

QUEZON, Philippines - Pinagtulungang patayin ang 30-anyos na obrero matapos itong pagtatagain ng kanyang kapitbahay na magkapatid dahil lamang sa tsismis kamakalawa ng gabi sa Barangay Isabang sa Tayabas City, Quezon. Nagmistulang kinatay na karne ng hayop ang katawan ng biktimang si Richard Llarena habang tugis na ng pulisya ang mga suspek na sina Raymund Ratu, 26; at Raymund Ratu, 24, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Art Brual Jr., nag-iinuman ang mag-utol sa labas ng kanilang bahay nang dumating ang biktima kung saan kinumpronta si Raymund kaugnay sa ipinakakalat nitong tsismis na may relasyon siya sa asawa nito. Nauwi sa mainitang pagtatalo ang komprontasyon hanggang sa pagtulungang pagtatagain ng magkapatid ang biktima.

Show comments