Lider ng sindikato, nilikida

NUEVA ECIJA, Philippines – Bulagta ang 38-anyos na dating pulis na sinasabing lider ng sindikato at isinasangkot sa mga kasong kriminal matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa gilid ng tindahan sa Barangay Aduas Sur, Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Tatlong bala ng cal.45 pistol ang tumapos sa buhay ni ex-PO3 Edmundo Plamenco ng Fajardo Street sa nasabing barangay. Ayon sa ulat, si Plamenco ay sinibak sa tungkulin matapos masangkot sa iba’t ibang criminal activities at oong Nov. 27, 2013 ay naaresto na ito ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) dahil sa sa paglabag sa RA 9165. Lumitaw sa imbestigasyon na nakatayo ang biktima sa gilid ng tindahan ng kaanak ng misis nito nang lapitan at ratratin ng tandem.

Show comments