Paolo Duterte muling nag-leave sa trabaho

Ang mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio (kaliwa), Davao City Vice Mayor Paolo "Pulong" Duterte (gitna) at Sebastian Duterte (kanan).

MANILA, Philippines – Sa ikalawang pagkakataon ngayong buwan, muling naghain ng leave of absence si Davao City Vice Mayor Paolo "Pulong" Duterte.

Tatlong araw ang leave ni Duterte na nagsimula pa nitong kamakalawa na hanggang ngayong araw.

Nagpadala ng memorandum ang bise alkalde para italaga si Davao City Councilor Edgar Ibuyan Jr. bilang officer-in-charge habang wala siya.

BASAHIN: Smoking ban sa mga beach, isinusulong ni Paolo Duterte

Sinabi ni Ibuyan na kahapon lamang niya natanggap ang memorandum ni Duterte.

"I don't have any idea for the vice mayor's reason for absence," komento ng konsehal.

Noong umupong acting city mayor si Duterte ay naghain rin siya ng leave kasabay ng pagliban sa trabaho ni Davao City Mayor at kapatid niyang si Sara Duterte-Carpio.

Kapwa nakabalik sa trabaho ang magkapatid noong Hulyo 22.

Show comments