Mister inaway ni misis, nagbigti

NORTH COTABATO, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 22-anyos na mister na sinasabing inaway ng kanyang misis matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Central Glad, bayan ng Midsayap, North Cotabato, kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Loralde Eban ng nasabing barangay. Batay sa ulat, natagpuan na lamang si Eban na nakabitin sa kanilang silid gamit ang lubid. Kaagad naman isinugod sa bahay pagamutan ang biktima pero idineklarang patay. Hindi naman nabanggit sa ulat kung ano ang ugat ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang misis.

Show comments