Guro dinedo ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng 52-anyos na public school teacher na sinasabing nasa drug watchlist ng pulisya matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Sta. Rita, bayan ng Aurora, Isabela kahapon. Ayon kay P/Senior Insp. Mervin Delos Santos, hepe ng PNP Aurora na sinundan at pinagbabaril ng gunmen ang biktimang si Cesar Alejandro na nakamotorsiklo malapit sa St. Rita Elementary School. ? Bagama’t kasama si Alejandro sa mga umaming durugistang sumuko sa Oplan Tokhang na inorganisa ni Delos Santos ay inaalam ng mga im­bestigador sa mga opisyal ng paaralan kung bakit pa ito nakapagtuturo. Sa record ng pulisya,  unang tinambangan sa bayan ng San Manuel si Alejandro noong nakalipas na taon.

Show comments