^

Probinsiya

4Ps beneficiary na adik, sisibakin

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines – Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng lalawigan sa lahat ng benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na maaari silang matanggal sa programa sa oras na mapatunayang sangkot sila sa paggamit o pagtutulak ng ipinagbabawal na droga.

 Ayon kay Clark Emerson Lana, provincial grievance officer ng DSWD, dadaan muna sa tamang proseso  bago sibakin sa programa ng 4Ps ang benepisaryo na isinasangkot sa droga. Aniya, sakaling mayroon silang matanggap na reklamo hinggil sa pagkakasangkot sa iligal na droga ay agad na magsasagawa ng imbestigasyon ang mga municipal link at iba-validate ng grievance officer.

Ang nasabing babala ng DSWD ay bunsod na patuloy na pagtaas ng bilang ng mga drug personalities na kusang loob na sumuko sa mga awtoridad sa lalawigan ng Camarines Norte makaraang ipag-utos ni Governor Edgardo Tallado na gawing drug free ang lalawigan sa loob ng anim na buwan.

Sa huling naitala ng Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr., kamakalawa umaabot na sa kabuuang 4,058 drug perso­nalities ang kusang loob na sumuko na kinasasangkutan ng 3,902 drug users at 156 na  drug pushers. Napag-alaman na ang nangungunang may pinakamataas na bilang ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na droga ay ang dalawang mining town ng bayan ng Paracale, 960 users at pushers; at Jose Panganiban, 801 users at pushers. Karamihan sa user ng droga ay mga minero upang makatagal sa ilalim ng mining pit at maging ang mga menor-de-edad ay napipilitang gumagamit upang mas malaki ang kitain sa pagmimina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with