2 nilikida ng tandem

CAVITE, Philippines – Dalawa-katao ang napatay makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng Barangay 7 sa bayan ng Carmona, Cavite kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa katawan ang mga biktimang sina Reynoso Balingit, 38, traffic enforcer; at Brain De Salit, mga nakatira sa Rosario Street, Barangay 8 sa bayan ng Carmona, Cavite. Base sa ulat na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nag-uusap ang dalawa nang lapitan at ratratin ng tandem dakong alas-7:30 ng gabi. Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ang cal. 45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments