Mag-ina, 2 pa tiklo sa drug bust

BULACAN, Philippines – Apat-katao kabilang ang mag-ina ang nasakote sa inilatag na drug bust operation sa Barangay Mulawin, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mag-inang sina Susan Cordero, 69; Mike Cordero, 38; manugang na si Fedinand Alba, 44; at si Randy Sanchez, 40, mga nakatira sa Francisco Homes sa nasabing barangay. Base sa police report na nakarating sa Camp Alejo Santos, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Alexander Tamayo ng Malolos City Regional Trial Court Branch 15 sa Bulacan, sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang bahay ni Alba. Nasamsam sa mga suspek ang mga pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P.25 milyon, isang digital weighing scale, mga drug paraphernalia , dalawang baril at mga bala.

Show comments