Kawani ng PAGCOR, pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Matagal na alitan isa sa sinusundang anggulo ng pulisya sa pagpatay ng 66-anyos na lolo sa isang kawani ng Philippine Amusement and Gaming Corp. sa Barangay  Laya East, Tabuk City, Kalinga kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Gilbert Fati-ig, hepe ng Tabuk City PNP, kinilala ang napatay na si Edwin Libantino Cale habang sumuko naman ang suspek na si Emilio Buslig Sr. Naganap ang pamamaril sa harapan ng bahay ng biktima dakong alas-7:45 ng umaga. Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng cal.45 pistol.

Show comments