Magtiyahin dedo sa sunog

QUEZON, Philippines – Patay ang magtiyahin makaraang makulong sa nasunog nilang bahay sa Purok 5, Barangay Dalahican sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng umaga.

Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Joel de Mesa, hepe ng Lucena City PNP, kinilala ang mga biktima na sina Christine Jacela, 25, dalaga; at Chris Elaine Galvez, 9, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ang bangkay ng mga biktima dakong alas-5 ng umaga sa loob ng kanilang kuwarto sa unang palapag ng bahay.

Huling namataang buhay si Christine na ninigarilyo na pinaniniwalaang nakatulog kung saan ang upos ng sigarilyo ay nalalaglag sa maruruming damit.

Show comments