7 todas sa araro ng tanker
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pito-katao kabilang ang mag-asawa at anak nila ang matay makaraang araruhin ng fuel tanker ang tatlong kabahayan sa Barangay Lale, bayan ng Pinabacdao, Samar, kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga na­ma­tay ay sina Michael Buenavides, 20; Maryjoy Buenavides,18; anak na 6-buwang gulang; at si Angela Buenavides Baludo na mga nakatira sa nasabing barangay.

Patay din ang driver ng truck at 2 pahinante na kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan.

Hindi naman nabatid ang bilang ng mga nasu­gatan sa naganap na insi­dente.

Sa police report ng Samar Provincial PNP Office, sinasabing nawalan ng preno ang truck kaya nahulog sa kaliwang bahagi ng kalsada saka inararo ang tatlong bahay.

Nabatid na natutulog ang pamilya Buenavides sa kanilang bahay nang maganap ang sakuna.

Sinasabing nagliyab pa ang fuel truck kung saan nadamay ang tatlong kabahayan.

ACIRC ANG ANGELA BUENAVIDES BALUDO BARANGAY LALE BUENAVIDES KABILANG MARYJOY BUENAVIDES MICHAEL BUENAVIDES NABATID PATAY SAMAR PROVINCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with