^

4 patay sa road mishap

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2016 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Apat-katao ang namatay sa naganap na magkakahiwalay na sakuna sa Laoag City, Ilocos Norte at bayan ng Pozurrubio sa Pangasinan kamakalawa.?

Kinilala ni P/Chief Insp. Jonathan Papay, tagapagsalita ng Ilocos Norte PNP, ang mga biktima na sina Jay Sebastian, 21; at John Carlo Domingo, 20, kapwa nakatira sa Barangay Sta. Rosa.

Base sa polic report, magkaangkas ang dalawa sa motorsiklo nang salpukin ang concrete barrier sa kahabaan ng highway sa Barangay Mangato, Laoag City, Ilocos Norte.

Naisugod ang dalawa sa Laoag City General Hospital subalit idineklarang patay.

Samantala, patay din ang magkaibigang sina Jeffry Diso, 20; at Michael Corpuz, 24, makaraang salpukin ng Tamaraw FX SUV ni Jay Ulao habang tumatawid ang dalawa sa kahabaan ng highay sa Brgy. Palac-Palac sa bayan ng Pozurrubio, Pangasinan. ?

Gayon pa man, sumuko naman sa pulisya ang 30-an­yos na driver ng SUV na si Ulao ilang oras makalipas ang sakuna.

ANG BARANGAY MANGATO BARANGAY STA CHIEF INSP ILOCOS NORTE JAY SEBASTIAN JAY ULAO JEFFRY DISO JOHN CARLO DOMINGO JONATHAN PAPAY LAOAG CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with