^

Probinsiya

Mag-utol nagpatayan dahil sa lupa

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Napaslang ang 69-anyos na lolo matapos itong pagbabarilin ng kanyang utol dahil sa awayan sa lupa sa Purok Sentro, Barangay New Rizal sa bayan ng M’Lang, North Cotabato kahapon ng tanghali. Kinilala ang napatay na si Thomas Buenaflor habang nasakote naman sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na si James Buenaflor, 66, kapwa nakatira sa nasabing bayan. Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato PNP provincial office, magkasabay na umuwi ang magkapatid mula sa pakikipaglibing sa kanilang kapatid nang maganap ang pagtatalo. Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

ANG

BARANGAY NEW RIZAL

BERNARD TAYONG

COTABATO

JAMES BUENAFLOR

KINILALA

NAPASLANG

NAREKOBER

NORTH COTABATO

PUROK SENTRO

THOMAS BUENAFLOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with