Misis nahagip ng tren, utas
Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2016 - 9:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 35-anyos na misis matapos itong mahagip ng tren habang naglalakad sa tabi ng relis kamakalawa ng hapon sa PNR railroad crossing B.F., Imperial Street sa  Barangay 37, Legazpi City, Albay. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, naglalakad sa gilid ng riles ng tren ang biktimang si Vergie Luna na nakasout ng headphone nang makasalubong si kamatayan. Pinaniniwalaang hindi narinig ng biktima ang busina ng tren dahil sa headphone ng kanyang cellphone kaya nahagip ito ng tren. Nakaladkad pa ng ilang metro ang biktima hanggang sa ito ay tumilapon sa harapan ng bahay na nasa gilid ng relis. Nabatid na dadalaw sana sa kanyang kaibigan ang biktimang nakatira sa Barangay San Vicente sa bayan ng Castilla, Sorsogon nang maganap ang sakuna.

 

ALBAY ANG BARANGAY SAN VICENTE CAMP SIMEON OLA CASTILLA IMPERIAL STREET LEGAZPI CITY NABATID NAKALADKAD PINANINIWALAANG VERGIE LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with