4 ‘tulak’ huli sa droga, baril
Francis Elevedo (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2016 - 9:00am

CAMARINES NORTE, Philippines - Nalambat ng mga awtoridad ang  apat na katao na pinaghihinalaang tulak ng droga sa magkahiwalay na operasyon sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp.  Elmer Azures Jr. hepe ng pulisya ang mga nahuling suspek matapos na ilatag ang search warrant operation na ipinalabas ni Judge Arniel Dating ng RTC Branch 41-Daet  na sina Rosauro “Balatay” Logronio, residente ng Purok 1A, Brgy. 7, Mercedes. 

Dakong alas 2:30 ng madaling-araw nang sorpresang salakayin ng mga awtoridad ang bahay ng suspek katuwang ang CIDG, PDEA, PIB at PPSC at nakuha sa kanilang pag-ii­ngat ang walong sachet ng pinaghihinalaang shabu, drug paraphernalias, isang improvised shot gun, isang bala at cell phone. Bandang alas-3:30 ng madaling-araw nang arestuhin naman si Arnel Magadan alyas “Pabo”, 42, at misis na si Susana Magadan, 40, kapwa ng Purok 1A, Brgy. 7.  Nakuha sa mag-asawa ang may 13 pirasong sachet ng pinaghihinalaang shabu, drug paraphernalias at cash money na umaabot sa P22,690.

Kasama sa nahuli ng mga awtoridad sa kanilang magkakahiwalay na search warrant operation si Samuel “Kid” Buatis ng Purok 2, Brgy. 7 matapos na makuha sa kanya ang ilang gramo ng shabu. 

Ayon kay Azures,  si Logronio ay nasa No. 9 municipal drug list habang si Arnel Magadan ay No. 1 sa naturang listahan.

ACIRC ANG ARNEL MAGADAN BRGY CAMARINES NORTE CHIEF INSP ELMER AZURES JR. JUDGE ARNIEL DATING LOGRONIO NBSP PUROK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with