Muling pagpuga ng 2 adik sa Cotabato jail napigilan

MANILA, Philippines – Bigong muli ang dalawang preso ng South Cotabato provincial jail na makatakas matapos mahuli ng mga jail guards kahapon.

Ayon sa mga awtoridad, ito na ang ikalawang beses ng mga drug suspek na sina Ryan Paquirda at Jonathan Campong na tumakas.

Huling-huli sa akto ng jail guard na gumagapang sa bintana ang mga suspek upang makalabas ng kanilang kulungan bandang alas-2 ng madaling araw.

Nakita rin sa binta ang tali na gagamitin sana ng mga preso pababa.

Sinabi ni Provincial jail warden Juan Lanzaderas na ililipat ng kulungan sina Paquirda at Campong, habang daragdagan nila ang mga jail guard.

 

Show comments