Obrero tinaga dahil sa P200

QUEZON, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang 39-anyos na obrero matapos itong tagain sa ulo ng kanyang kapitbahay dahil sa pinagkakautangan nito kamakalawa ng umaga sa CTC Mangahan, Barangay Malabanban Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon. Nagtamo ng malalim na sugat sa ulo ang biktimang si Noriel Dimaculangan, may-asawa habang tumakas naman ang suspek na si Nestor Abastillas. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Hyacinth Callao, hepe ng Catanauan PNP, naglalakad ang biktima patungo sa kanilang bahay nang harangin ng suspek. Siningil ng suspek ang biktima sa pagkakautang nitong P200 subalit nagalit pa umano ito hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa maganap ang pananaga.

Show comments