_ngayon
^

Probinsiya

Barangay chairman, itinumba

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang 56-anyos na barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa harapan ng kanyang misis sa Barangay Cabangcalan, bayan ng Placer, Masbate kahapon ng madaling araw. Base sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Simeon Ola, ipinarada ng biktimang si Chairman Jonathan Sullera ang kanyang motorsiklo sa harap ng kanilang bahay nang lapitan at pagbabarilin. Nabatid na dumalo sa kapistahan sa Sitio Franciso ang biktima kasama ang kanyang misis nang makasalubong si kamatayan sa harap ng kanyang bahay. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang sinisilip naman ang anggulong may kinalaman sa politika.

ANG BAHAY BARANGAY CABANGCALAN CAMP SIMEON OLA CHAIRMAN JONATHAN SULLERA KANYANG MASBATE NABATID NAPATAY NAREKOBER SITIO FRANCISO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with