Councilor bet dedo sa ambush

MANILA, Philippines - Napatay ang 62-anyos na kandidatong Sangguniang Bayan member matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng national highway sa Barangay San Isidro, bayan ng Placer, Surigao del Norte noong Lunes ng umaga. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Danrevel Tuldanes Etac ng Taganaan, Surigao del Norte. Lumilitaw na pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo nang sundan at ratratin ng tandem pagsapit sa nasabing lugar. Naisugod sa Surigao del Norte Provincial Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival ang biktima habang narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa pulitika at personal na alitan ang naganap na pamamaril.

Show comments