Mister kinatay ng matansero

BULACAN, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 37-anyos na mister matapos itong saksakin ng selosong matanserong kapitbahay sa Barangay Parada, bayan ng Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi.Nagtamo ng ilang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ariel Gonzaga, stay-in driver at residente sa Sitio Kaybanban sa nasabing barangay habang pinaghahanap naman ang suspek na si Ruel Pepito. Sa imbestigasyon ni PO3 Joey Cabarles, nasa pintuan ng bahay ang biktima kasama ang ilang kapitbahay nang lapitan at saksakin ng suspek. Natulala naman ang ilang kapitbahay sa nasaksihang pananaksak habang tumakas ang suspek. Nabatid din sa ulat na inakusahan ang biktima na sinasabing may relasyon sa misis ng suspek na itinanggi naman ng babae.

Show comments