Mister kinatay ni misis

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang isang mister matapos itong pagtatagain ng kanyang misis dahil sa matinding selos sa naganap na panibagong karahasan sa Purok 20, Barangay Fatima sa General Santos City, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon. Base sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mag-asawa kung saan sinuntok ng mister na si Eduardo Misa ang kanyang misis. Gayon pa man, umalis ang misis sa kanilang bahay para umiwas na sa gulo subalit dalawang beses itong pinaputukan ng mister gamit ang cal. 45 pistol pero hindi tinamaan. Sa mga oras na iyon ay nakahanap ng pagkakataon ang misis na kumuha ng itak saka pinagtataga ang kanyang mister. Kaagad namang sumuko ang misis matapos mapatay ang mister.

Show comments