Anak sinermunan, nag-suicide

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang dinamdam ng 18-anyos na estudyante ang panenermun ng kanyang mga magulang kaya nagdesisyong magpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Burol 1, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Dakong alas-4 ng hapon nang matagpuan ang biktimang si Maricris Marco ng Blk 17 Lot 7 Phase 3 sa nasabing barangay. Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, sinasabing huling namataang buhay ang biktima nang sermunan ng kanyang mga magulang kung saan pinagbalawan itong lumabas ng bahay.

Show comments