Grade 4 pupil, nagbigti

MANILA, Philippines – Hindi naging maganda ang pagpasok ng Bagong Taon sa isang pamilya matapos magbigti ang isang grade 4 pupil, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Paliparan 3 Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alwin Madronio,12-anyos, grade 4 pupil, ng Blk-148, Lot 39, Phase 1, Mabuhay City, ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang bumulaga sa harapan ni Jezedel  Alamano,25, ang nakabigting katawan ng biktima sa stock room ng isang bahay sa nasabing lugar.

Agad niya itong tinanggal at ibinaba at mabilis na itinakbo sa pinakamalapit na pagamutan,subalit idineklara itong patay.

Wala namang maisip ang pamilya ng bata na dahilan upang magpakamatay ito.

Show comments