Crew ng ABS-CBN utas sa sakuna

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sinalubong ni kamata­yan ang isang kawani ng ABS-CBN news network matapos mahulog ang minamanehong motorsiklo sa malalim na drainage canal sa gilid ng highway sa Barangay Natanzan, bayan ng Iguig, Cagayan kamakalawa ng madaling araw. ?Ayon kay P/Senior Insp. Avelino Canceran Jr. hepe ng Iguig PNP, galing sa pakikipag-inuman ang biktimang si Marvin Trinidad nang maganap ang trahedya dakong alas-3 ng madaling araw.? Wasak ang motorsiklo at nahirapang iahon ng mga residente kung saan agad na namatay ang biktima na sinasabing nakabakasyon sa trabaho.

Show comments