20 nalason sa Christmas party

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Tinatayang nasa 20 katao karamihan ay mga bata ang naisugod sa ospital matapos malason sa handang spaghetti sa Christmas party ng isang opisyal ng munisipyo sa Luna, Isabela noong Araw ng Pasko.?

Sa ulat ni Barangay Harana Chairman Joseph Soingco na iniutos niya ang pagkuha ng sample ng ginamit na tomato sauce sa handa na hinihinalang expired na upang masiyasat ng DOH.?

Ayon kay Soingco, bumaligtad ang tiyan ng mga biktima, nagsusuka, nahilo at gumapang sa sakit ng tiyan at kalamnan matapos kainin ang inihandang spaghetti. Ang mga biktima kasama ang 3-anyos na anak ng opisyal ay isinugod sa Cauayan City District Hospital kung saan sila inoobserbahan.

Show comments