Bike vs bike: 1 patay, 2 kritikal

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Hindi na umabot ng Kapaskuhan ang 51-anyos na obrero habang kritikal naman ang dalawa pa sa naganap na sakpukan ng dalawang motorsiklo sa tulay ng Barangay Bulagao, bayan ng Tuao, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni PO2 Mannie Calubaquib ang namatay na si Wilson Mariano ng Rizal, Cagayan habang kritikal na isinugod sa pagamutan ang driver ng isa pang motorsiklo na si Noel Cagumbay at Ramon Dasayan ng Pinukpuk, Kalinga. Sa imbestigasyon ng pulisya, inagaw ni Mariano ang kabilang linya ng kalsada matapos mag-overtake sa isa pang sasakyan subalit nakasalpukan ang motorsiklo ni Cagumbay. Ayon kay Calubaquib, tumilapon at nagpa-gulung gulong ng may 15-metro si Mariano kaya nakasalubong si kamatayan.

 

Show comments