Nag-selfie muna bago nagbigti

Ayon sa pamilya Baltero na tinitirhan ng biktimang si Jerry Mantac na natagpuan ito nakalambitin sa loob ng bodega. File photo

NORTH COTABATO, Philippines – Nag-selfie muna saka nagpasalubong kay kamatayan ang 17-anyos na lalaki matapos itong magbigti sa bahay sa Barangay Loctugan, Roxas City sa Capiz, ayon sa report kahapon. Ayon sa pamilya Baltero na tinitirhan ng biktimang si Jerry Mantac na natagpuan ito nakalambitin sa loob ng bodega. Natagpuan ng pulisya ang cellphone ni Jeffrey na may mga selfie nito at video na kuha bago magpakamatay. Makikita ang mga larawan na background ang lubid na ginamit sa suicide at video na naglalaman ng pamamaalam. Napag-alaman na walang pamilya si Jerry at pinatira lamang at pinag-aral ng pamilya Baltero.

Show comments