Mananahi tinodas sa palengke

NORTH COTABATO, Philippines – Napaslang ang 26-anyos na mananahi matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki sa pinapasukang tailoring sa pamilihang bayan sa Barangay Poblacion Uno, bayan ng Midsayap, North Cotabato kahapon ng umaga. Tinamaan sa dibdib ang biktimang si Nasser Piang Sandy ng Barangay Kadigasan sa nasabing bayan. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Eli Uto ng Datu Piang, Maguindanao. Pinaniniwalaang matagal na alitan ang isa sa motibo sa krimen habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments