Driver dinedo dahil sa utang

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang isang dump truck driver na sinasabing hindi nakabayad ng utang matapos itong barilin ng kanyang matalik na kaibigan sa bayan ng Pikit, North Cotabato. Kinilala ni P/Chief Insp. Sindatu Karim, hepe ng Pikit PNP, ang biktima na si Eliber Pader Napuro, 33, ng Bautista Street sa Brgy. Batulawan sa nasabing bayan habang tinutugis naman ang suspek na si Faisal Malabanan, security guard at nakatira rin sa nasabing bayan. Sa police report, lumitaw na pinara ng suspek ang biktima sa kahabaan ng national highway kung saan pagbaba nito ay pinutukan agad sa kilikili. Naisugod naman sa pagamutan ang biktima subalit namatay din.

Show comments