Magsasaka utas sa ambush

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ng 45-anyos na magsasaka matapos itong ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Bagnos, bayan ng Aurora, Isabela kamakalawa. Kinilala ni case investigator PO1 Rainer Gutierrez ang napatay na si Rick de Guzman ng nasabing barangay. Lumalabas sa imbestigasyon na sinundan ng tandem ang biktimang nagmamaneho ng pag-aaring traysikel mula sa kanyang sakahan nang tambangan sa gitna ng highway. Sumadsad sa gilid ng highway ang traysikel ng biktima bago ito bumulagta sa tabi ng daan na tadtad ng tama na bala sa katawan. Narekober sa crime scene ang mga nagkalat na basyo ng bala ng cal. 45 pistol kung saan sinisilip ng pulisya ang anggulong alitan sa palayan ang isa sa motibo ng gunmen.

Show comments