Trak hulog sa bangin: 2 sundalo utas
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2015 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang dalawang sundalo ng Philippine Army habang lima naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos mahulog ang military truck sa bangin sa Sitio Rabaw, Barangay Naguilian sa bayan ng Calanasan, Apayao kamakalawa.

Idineklarang patay sa Northern Cagayan Hospital sa bayan ng Sanchez Mira ang mga biktimang sina T/Sgt. Alberto Agustin at Pfc. Angeles habang agaw-buhay sina Sgt. Presco Zalun, Capt. Dingle, Sgt. Belo, S/Sgt. Aguilar, at si Pfc. Valdez.? 

Sa police report na isinumite kay P/Senior Supt. Robert Gallardo, Apayao PNP director, patungong kampo ng 502nd Infantry Brigade sa bayan ng Echague, ang mga biktima mula sa pakikipagli­bing sa namayapang Apayao Governor Elias Bulut Sr. nang makasalubong si kamatayan.?

Nabatid na malakas ang buhos ng ulan nang nadulas sa maputik na kalsada ang truck na minamaneho ni Sgt. Zalun kaya mahulog sa mala­lim na bangin dakong alas-5:30 ng hapon.?

ACIRC ALBERTO AGUSTIN ANG APAYAO APAYAO GOVERNOR ELIAS BULUT SR. BARANGAY NAGUILIAN INFANTRY BRIGADE NORTHERN CAGAYAN HOSPITAL PHILIPPINE ARMY PRESCO ZALUN SGT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with