35 bahay nilamon ng apoy

Inaapula ng dalawang miyembro ng pamatay-sunog ang isa sa 35 kabahayan na tinupok ng apoy sa Capalad Compound sa Barangay Bagongbayan sa bayan ng Bocue, Bulacan kahapon. Boy Cruz

BULACAN, Philippines – Tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang 35 kabahayan sa loob ng malawak ng compound sa Brgy. Bagongbayan, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon. Ayon kay SPO1 Ferdinand Cabuhat, biglang sumiklab ang sunog mula sa panaderya na pag-aari ni Aquilino Bermas kung saan nasundan pa ng pagsabog ng tangke ng LPG. Kumalat ang apoy sa kalapit na kabahayan  sa Capalad Compound na nasa NIA Road. Wala namang namatay at nasugatan sa naganap na sunog na tumagal ng apat na oras bago maapula ang apoy. Inaalam ng mga arson investigator ang pinagmulan ng apoy na sinasabing nagmula sa mga jumper na kuryente.

Show comments