35 bahay nilamon ng apoy

Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2015 - 9:00am

BULACAN, Philippines – Tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang 35 kabahayan sa loob ng malawak ng compound sa Brgy. Bagongbayan, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon. Ayon kay SPO1 Ferdinand Cabuhat, biglang sumiklab ang sunog mula sa panaderya na pag-aari ni Aquilino Bermas kung saan nasundan pa ng pagsabog ng tangke ng LPG. Kumalat ang apoy sa kalapit na kabahayan  sa Capalad Compound na nasa NIA Road. Wala namang namatay at nasugatan sa naganap na sunog na tumagal ng apat na oras bago maapula ang apoy. Inaalam ng mga arson investigator ang pinagmulan ng apoy na sinasabing nagmula sa mga jumper na kuryente.

ANG AQUILINO BERMAS AYON BAGONGBAYAN BOCAUE BRGY BULACAN CAPALAD COMPOUND FERDINAND CABUHAT INAALAM KUMALAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with