3 kelot niratrat, 1 patay
Raymund Cantindig (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2015 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isa sa tatlong lalaki na pinagbabaril ang namatay sa loob ng mataong bar sa 2nd floor ng Goto-King sa dowtown ng lungsod na ito noong Huwebes ng gabi.?

Sa report na nakarating kay Supt. Jessie Tamayao, hepe ng PNP Tuguegarao City, dead on arrival sa People’s Emergency Hospital si Allan Cauilan habang nakikipambuno  kay kamatayan sa Cagayan Valley Medical Center ang dalawang kaibigan nitong sina John Paul Del Rosario at Alder Valencia.?

Sa inisyal na imbestigasiyon ng Pulisya, kasama ng mga biktima ang kanilang grupo na nakikipag inuman sa loob ng bar nang pasukin sila ng grupo ng mga armadong kabataan at walang habas silang tinadtad ng bala dakong alas-11:00 ng gabi.?

Narekober sa crime scene ang mga nagkalat na basyo ng balang 9mm habang naiwan ng mga suspects ang isang asul na Honda Civic sedan na sinasabing pag ma-may ari ng isang impluwensiyadong personalidad sa katabing lalawigan ng Kalinga.?

Inaalam ng mga imbestigador kung may koneksiyon ang nangyaring pag-atake sa insidente rin ng pamamaril sa Holiday Hotel sa lungsod na ito noong nakaraang taon na kinasangkutan ng anak ng isang pulitiko.

ALDER VALENCIA ALLAN CAUILAN ANG CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER EMERGENCY HOSPITAL GOTO-KING HOLIDAY HOTEL HONDA CIVIC JESSIE TAMAYAO JOHN PAUL DEL ROSARIO TUGUEGARAO CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with