Collector ng pautang, itinumba

NORTH COTABATO, Philippines – Napaslang ang 27-anyos na collector ng pautang matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa bisinidad ng Sitio Katindu, Barangay Malibatuan sa bayan ng Arakan, North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. Felix Fornan, hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Dante Mara-Mara Pradera ng Purok Felomina sa Barangay Calumpang, General Santos City. Nabatid na maniningil ng pautang na furniture ang biktima nang lapitan at ratratin ng gunman. Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa likuran ng katawan na tumagos sa dibdib. Tinangay ng gunman ang motorsiklo ng biktima habang patuloy naman ang imbetigasyon.

 

Show comments