2 mag-aaral lunod sa ilog

STAR/File photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawang estudyante na sinasabing pumuslit mula sa paaralan kasama ng iba pang kaklase ang namatay matapos malunod sa Cagayan River sa Barangay Cabanungan 2nd, Ilagan City, Isabela kamaka­lawa. Iniimbestigahan ng mga opisyal ng Isabela School of Arts and Trades Annex Campus ang pagkalunod ng mga biktimang sina Aries Sabado, 15, Grade 5; at Aljon Crisologo, 15, Grade 9. Ayon sa ulat, ang dalawa ay lumabas ng school campus bandang alas-9:30 ng umaga para maligo sa nasa­bing ilog. Ayon kay P/Supt. Manuel Bringas, hepe ng Ilagan City PNP, lumahok na rin sa ang mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction Management Council sa paghahanap kay Crisologo.

Show comments