P.6-M ari-arian naabo

NORTH COTABATO, Philippines – Umabot sa P.6 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang Ampayon Central Elementary School sa Barangay Ampayon, Butuan City sa Agusan del Norte kamakalawa ng gabi. Ayon kay SFO4 Guillermo Abarquez, deputy city fire marshall ng Bureau of Fire Protection (BFP) Butuan City, limang fire trucks ang rumesponde sa sunog kung saan nasunog  ang pitong silid-aralan. Sa inisyal na imbestigasyon, nagmula ang apoy sa Christmas lights sa gitnang silid-aralan kung saan mabilis na kumalat sa kalapit na mga klasrum. Aabot naman sa 300 mag-aaral ang apektado ng sunog.

Show comments