No. 3 ‘most wanted’ huli

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines – Arestado ang tinaguriang number 3 Regional Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng PIB Masbate PPO, RID PRO5, CIDG Masbate, RIU 5 at Antipolo City Police  kahapon ng madaling-araw sa Brgy Sta. Cruz, Antipolo City. Kinilala ang suspek na si Benjamin Mella alyas Benjie Milla, tubong Barangay Pinanaan, Aroroy, Masbate.  Sa ulat kay P/CSupt. Agusto Marquez Jr., Regional Director ng Kabikolan, ang suspek ay nasakote  dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa bahay ng kanyang tinutuluyan, kasama ang pamilya nito na matagal ng nagtatago sa batas. Sa bisa ng alias warrant na ipinalabas ni Judge Pazlinda Joaquin ng RTC Br. 44, Masbate City sa kasong murder, arson, at rape  nadakip ang suspek .Ang suspek ay takas sa preso sa BJMP ( Bureau of Jail Management and Penology ) District Jail sa Aroroy, Masbate, may halos dalawang taon na ang nakakalipas

Show comments