2 patay sa pamamaril

MANILA, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang misis ng barangay chairman ang napatay makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan  sa naganap na pamamaril sa Barangay Cayamcam, bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Margarita Banguanga, 53; at Jose Rios Samosa, 48, habang sugatan naman si Chairman Carmelo Banguanga, 52, ng nabanggit na barangay. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, nag-uusap sa harapan ng bahay ang tatlo nang lapitan at ratratin bandang alas-10 ng gabi. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ang cal. 45 pistol habang sinisilip na anggulo ay alitan sa pulitika.

 

Show comments