Holdaper todas sa shootout

PAMPANGA, Philippines – Bulagta ang 28-anyos na sinasabing holdaper makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa kahabaan ng McArthur Highway sa Barangay Dolores, San Fernando City, Pampanga kahapon ng madaling araw. Sa ulat na nakarating kay P/Supt Jean Fajardo, hepe ng San Fernando City PNP, napatay sa shootout si Jojie Maddarola ng Villa Julita Subdivision sa Barangay Saguin. Lumilitaw na hinoldap ni Maddarola ang biktimang si John Francis Winston Yap kung saan tinangay ang shoulder bag nito. Gayon pa man, nanlaban ang biktima kung saan namataan naman ng mga pulis na nagpapatrolya. Sa halip na sumuko ay nakipagbarilan si Maddarola kaya napatay ng pulisya. Narekober kay Maddarola ang bag ng biktima, cal. 45 pistol at ang motorsiklo na sinasabing sinikwat nito noong Nobyembre 14, 2015 sa harapan ng supermarket.

Show comments