Kawani ng DILG, grabe sa pamamaril

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 44-anyos na kawani ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang 16-anyos na estudyante na nadamay lamang matapos ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan sa harapan ng eskwelahan sa Santiago City, Isabela noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang mg biktima na sina Martwin Bangui ng DILG Santiago City at Ellen Joy Felix na noon ay nasa harapan ng First Children’s School nang paulanan ng bala ang Montero SUV ni Bangui dakong alas-4 ng hapon. Sa police report na natanggap ni P/Supt. Alexander Santos, hepe ng Santiago City PNP; sinundo ni Bangui ang kanyang anak kasama ang misis nang maganap ang pamamaril. Kaswal na naglakad palayo ang gunmen habang nagsitakbuhan naman ang mga estudyante at iba pang tao sa lansangan.

Show comments