Empleyada natusta sa sunog

MANILA, Philippines – Mistulang uling na nang matagpuan ang isang empleyada ng isang food station na nakilala lamang sa pangalang Catherine matapos na makulong ng apoy sa loob ng pinagtratrabahuhan nito sa naganap na sunog kahapon  ng umaga sa Rizal Avenue, Brgy. 18, Batangas City, Batangas. Sa inisyal na ulat ng Batangas Police, ang biktimang si Catherine, nagtratrabaho sa Bokatots Food Station na pag-aari ng negosyanteng si Roman Frane.Base sa imbestigasyon, bandang alas -7:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa La Suerte Bakery na pag-aari ng Filipino-Chinese na si Mawel Ong. Mabilis na kumalat at nadamay ang Bukatots Food Station  na pinapasukan ng biktima. Lumilitaw sa imbestigasyon na ang sumingaw na tangke ng gas sa bakery ang pinagmulan ng sunog.

Show comments