Truck vs SUV: 5 malubha

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Lima-katao ang nakikipag­laban kay kamatayan makaraang bumaliktad at madaganan ng truck ang isang SUV sa bulubundu­king highway ng Barangay Villaros sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya noong Huwebes. Sa report na nakarating kay P/Senior Supt. John Luglug, nawalan ng kontrol ang driver ng tanker (WFW 667) na si Allan Allapitan nang mabigong kumagat ang preno sa pabulusok at kurbadang bahagi ng highway. Bumaliktad ang tanker na may kargang Molasses at madaganan ang kasalubong na Toyota Innova. Naisugod sa Veterans Regional Hospital ang driver ng truck na si Allapitan at pahinanteng sina Romar Allapitan at Ronaldo Abadilla. Maging ang driver ng Toyota Innova na si Errol Lopez  at kasamang si Anthony Agulto, manager ng pribadong kompanya. Nagdulot naman ng ilang oras na pagkabalam sa trapiko sa nasabing kabundukan.

Show comments