2 utas sa NPA ambush

MANILA, Philippines – Napatay ang isang sundalo at isang miyembro ng Cafgu Active Auxilliary makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa ginagawang tulay sa Barangay Daguit, bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Major Angelo Guzman ng Southern Luzon ang mga napatay na sina Pfc. Reymark Camila Regore ng 49th Infantry Batta­lion ng Phil. Army at Cafgu Anthony Maceron habang sugatan naman si Pfc. Jhelor P Caranzo. Nabatid na binabantayan ng mga sundalo at Cafgu ang ginagawang Namukanan Bridge nang ratratin ng mga rebelde. Pinaniniwalaang may kaugnayan sa pagtanggi ng contructor ng nasabing tulay sa kahilingan ng NPA na revolutionary tax.

 

Show comments